Cherreads

Chapter 62 - CHAPTER 61-DEPARTURE AT DAWN

SUNDAY

Lexi kissed Valeria's forehead before getting into the car.

"Take care of yourself okay?". Sambit ni Lexi at tumango lang si Valeria. Nag paalam na din ito sa magulang ng dalaga bago tuluyan na umalis.

Gaano pa man kasaya ang dalaga na si Valeria dahil matutupad na ang pangarap ng kaniyang pinaka mamahal ay hindi din maikakaila ang labis na kalungkutan nito sa kanilang pagkaka hiwalay na muli.

"Are you okay nak?". Tanong naman ng ina ni Valeria ng tuluyan ng maka alis ang nobya nito.

"Medyo hindi, pero masaya ako kase at least ma matutupad na niya yung pangarap niya na naudlot dahil sa pag aalaga sakin". Naka ngiti na sambit nito. The proud look on her face says it all, despite the sadness she's trying to look on the brighter side, the fact that Lexi was fulfilling her own dreams makes her proud of her.

MANILA

Ng makapag ayos ako sa condo na nirentahan ko ay agad naman akong tumawag kay Valeria.

"Hi!". Masigla kong pag bati dito, napansin ko naman na tila hindi pa ito masyadong nag mumulat ng mata naisip ko ay baka tulog na ito at naabala ko, halos gabi na din kase when I arrived here. "Oh, did I wake you up?". I asked.

"No, no, it's fine. How are you? How's the condominium?". She asked saka kinusot kusot ang mata na tila ba ay bata na ginigising ang sarili.

"It feels empty actually without you". I said.

"You fool, kailangan mong masanay hindi pa ako magaling hindi kita masusundan diyan". Mahinang sambit nito habang tumatawa.

"Sige na mag pahinga ka na uli hindi ka pwedeng ma puyat at isa pa maaga pa din ako bukas". Ngumiti ito sa akin at saka tumango.

"Good night". Sambit nito bago ako tuluyang pag babaan ng telepono. Humilata ako sa kama at doon nga ay hindi ko namalayan na unti-unti na akong naka tulog hanggang sa mag umaga.

8:00 am (WORK)

Masayang sinumulan ni Lexi ang kaniyang araw, maagap itong pumasok sa trabaho na animoy hindi makapag hintay na umpisahan ang kaniyang bagong bukas.

"Good Day everyone! Here is our new team member. Let me introduce to you all, Lexi Villanova". Sambit ng CEO ng kompanya. "Please take care of her as she was now a part of our team". Dagdag pa nito.

Matapos ang maiksi na pagpapakilala ay agad na pumasok sa studio si Lexi. Her eyes widen as she saw the set up of the studio, noon ay pangarap lang niya ito pero ngayon ay tila abot kamay na niya.

"You must be Lexi?". Agad naman na tumango ang dalaga bilang pag sang ayon dito. "Don't be afraid of me, I don't bite". Sambit pa nito na nagpa tawa ng bahagya sa dalaga.

"Everyday we were doing a brainstorming, it is our like tradition so we can come up with a greater project and great project means great opportunities". Wika nito habang iginagala si Lexi sa studio. Panandalian naman na tumigil ito sa paglalakad at saka inilahad ang kamay. "I haven't introduce myself to you, I'm Erica...Erica Hidalgo, but you can call me Rika, I'm in charge of this studio I'm like what you called the lead animator". Pag papakilala nito at saka nag patuloy sa paglalakad.

Iginaya nito si Lexi sa kaniyang upuan kung saan simula ngayon ay doon niya gagawin ang lahat ng kanyang projects."This is your seat, do a great job. I believe in you, fighting!". Umalis din agad ito at iniwan na naka tayo si Lexi, hanggang ngayon ay namamangha at tila ba hindi maka paniwala.

You did it Lexi, you did a great job...now we are really here, doing the things we love.

More Chapters